LAND REFORM AND NATIONAL SOVEREIGNTY/ECONOMIC INDEPENDENCE

Professor Roland G. Simbulan
University of the Philippines;
Vice-Chairman, CenPEG Board

(Address on the occasion of the launching of the Philippine Land Reform Movement, Bulwagang Tandang Sora, CSWCD, U.P. Diliman, May 28, 2015)

It is an honor to address and be part of the launching of the Philippine Land Reform Movement.

Ang mga okasyon tulad nito, ay okasyon para pasalamatan natin ang ating mga magsasaka at bigyan ng pagpupugay ang kanilang makulay na pakikibaka hindi lamang para sa mga isyung agrikultural, ngunit para
sa mga isyung pambansa. Matagal na akong naging tagahanga ng mga kilusang magsasaka sa ating bansa.

Kaya bilang pakikiisa sa ating mga manggagawang agrikultural at magsasaka, dapat natin suportahan at itaguyod ang kanilang adhikain at  kampanya para sa tunay na repormang agraryo.  Ang kawalan ng lupa ng
karamihan nating mga manggagawang agrikultural at magsasaka ay ang pangunahin dahilan ng armadong rebelyon. Walang usaping pangkapayapaan o peace talks ang maitutulak para sa kapayapaan sa lipunan, kung hindi nangyayari ang repormang agraryo. Ngunit, sasabihin ko, na sa totoo lang, REBOLUSYONARYONG LAYUNIN ANG TUNAY NA REPORMANG AGRARYO. Sa mga bansang tunay na naganap ito, ang rebolusyonaryong pag-aalsa ng mamamayan ang siyang nagbigay ng kundisyon para mangyari ito - sa People's Republic of China, sa Socialist Republic of Vietnam, sa Cuba, at sa North Korea. At siyempre, kailangan ng MIDWIFE o KOMADRONA ang panganganak ng bagong sistema: ang malakas at malawak na kilusang magbubukid.

Kung ang isang tao ay may sakit, pupunta siya sa doktor upang alamin kung ano ang dahilan ng sakit, at ano ang paraan para magamot ang nasasabing sakit.

Ang kahirapan ay ang sakit ng mga pangkaraniwang tao ngayon, lalo na ng mga magsasaka sa kanayunan.

Ano ang sakit na ito sa ating lipunan, na ugat ng rebelyon? Sino ang doktor na makakagamot sa sakit na ito? Sino ang makapagbabago sa umiiral na sakit na sakit panlipunan?  Sasagutin ko ang tanong na ito at ang konteksto ay ang aking pagtalakay ng LAND REFORM AND NATIONAL SOVEREIGNTY/ECONOMIC INDEPENDENCE.

The stark reality of social inequality especially with regard to land holding creates a great disparity between the peasants, who comprise the majority of the population, and the privileged few, who also control the political structure, banks and other commercial enterprises.

Keith Griffin in his work Land Concentration and Rural Poverty, made clear that " the distribution of income in the agricultural sector and the standard of living of the majority of the rural population are greatly affected by the degree of land concentration. (Griffin, 1991)

It is safe to say that the impoverishment of rural areas is directly related to the monopoly of land and water resources in agricultural by the few. Without land reform, Griffin maintains that it is not possible to significantly reduce poverty, nor to lead the country towards industrialization.

The United Nations (UN) defines land reform or agrarian reform as comprising an integrated programme of measures designed to eliminate the obstacles to economic and social development arising out of defects in the agricultural structure. (United Nations, 2002)

In countries that have successfully launched their struggle for national liberation, agrarian reform occupied the topmost priority in the reconstruction of their economy.

Land reform in substance changes the ownership of land and water resources in favor of the peasants and small farmers. It is an economic program that will regenerate the peasants from centuries of economic and social development and eradicate exploitation and oppression of the peasantry.

Changes in ownership can be brought about by the partition of large estates (haciendas), or the consolidation of small peasant land holdings to form cooperatives. What is essential is the emancipation of the peasantry from the exploitative feudal relations of production of feudalism.

A comprehensive agrarian reform program consists not only of the reallocation of agricultural resources.  It should also ensure the security of tenure for rural workers, as well as access to support infrastructure like credit facilities, new technology, market, just prices of the peasants' produce, efficient and honest administration, and a viable peasant organization.

Many international organizations including the UN have declared that domination and exploitation by a relatively few large landowners over the peasant majority is the major obstacle to the social and economic development of the country.

Thus, unless the relationship of land concentration to poverty is recognized by development planners in countries plagued by agrarian unrest, there will be no lessening of rural inequalities.

Land Reform Laws have been promulgated but landlords who control Congress and the government  and political power in general, in general, have found it easy to circumvent these laws to maintain the status quo.

Colonization: loss of sovereignty over all our lands

Sovereignty over our own land is related to the issue of land reform. Prior to the arrival of the Spaniards in the 16th century, most of the people in the archipelago lived in independent, self-sufficient barangays with lands owned communally under the administration of a datu or chieftain.

Upon the conquest of our islands by the Spaniards, all lands in the archipelago were seized and declared as owned by the Spanish Crown under the Regalian doctrine. The Spaniards instituted the encomienda system in order to systematize the collection of tribute and provide the basic organization for social labor.  By the 19th century, the hacienda system was dominant. This system involved the ownership of land, with rights to inheritance and free disposition. Under this system, the Spanish friars alone acquired 420,000 acres from the Spanish Crown, which was one half of the total land area then under cultivation. All throughout the Spanish occupation, peasants rebelled sporadically but separately against the usurpation o their lands and the onerous landlord-tenant sharing schemes that were in practice by then.

Because the issue of land ownership was becoming a problem, the Spanish government set forth two royal decrees, in 1880 and 1894. These decrees urged those owning tracts of land regardless of size to secure legal title to their lands. The educated landlords took advantage of the peasants' ignorance and annexed the latter's lands. At this time, the number of landless peasants increased sharply.

The 1896 Revolution against Span was not only an anti-colonial struggle; it was also an anti-feudal one.  Particular targets were the large haciendas and friar estates.  After the establishment of the Philippine revolutionary government on June 12, 1898, Apolinario Mabini in his 'Ordenanzas de la Revolucion" stipulated that one primary aim of the Philippine Revolution was to expropriate all properties usurped by the Spanish government and the religious corporations, after they had been forcibly expelled from the islands.(Mabini, 1931)

During the American occupation, the Katipunan ng mga Manggagawa at Magsasaka sa Pilipinas (Union of Laborers and Peasants in the Philippines) continued the struggle  to eliminate tenancy and usury in the feudal countryside. The peasant unions, established in 1919 also continued the campaign for the independence of the Philippines. They clamored for independence from the U.S., maintaining that foreign control of the Philippine economy, including agriculture, was hindering genuine reforms. The land problem also led to peasant groups resorting to armed struggle such as the Colorum and Sakdal uprising in the 30s. From then on, the Americans began to use agrarian reform as an integral part of anti-insurgency campaigns. From thereon up to the present, many counter-insurgency laws advocating land resettlement and redistribution of public lands were enacted by legislation. Saddled with loopholes that retained land ownership by the haciendas, foreign agri-business corporations and local plantations, these paid lip service to " social justice".

Meanwhile, the United States by 1935, had 425,266 hectares as "U.S. Army and Navy Reservations" (American Chamber of Commerce Journal, 1935). Farmers were not allowed to cultivate or till the lands covered by these U.S. military reservations. Then, under our fake independent republic, the 1947 U.S. -Philippine Military Bases
Agreement was signed, where the United States was allowed to retain for its military bases, an estimated 127,000 hectares of prime agricultural lands, including mountains rich with minerals and natural resources. The U.S. armed armada that was deployed in the Philippines in turn, made sure that the economic independence of the country was clipped and its economy was controlled by U.S. transnational corporations and banks, and that its resources and lands that were exploited were to benefit the U.S. economy.

The experience of the Philippines which has bred a radicalized peasantry and rural-based rebellion shows that land reform has always been used merely as a major component of the government's counterinsurgency program.

Ang mga dayuhang imperyalista ay kalaban ng lahat ng mga magsasaka at pangkaraniwang tao ng Pilipinas, sapagkat ang kayamanan ng Pilipinas ay kanilang kinamkam. Sa pamamagitan ng pagsasabwatan ng mga imperyalista at ng pamahalaan ng Pilipinas, ang mga negosyo at lupa -- at dahil dito ang kayamanan -- ay nahahawakan ng mga kapitalistang dayuhan at ng kanilang mga kasosyong kapitalistang Pilipino.

Tingnan ang magsasakang Pilipino.  Walang pera, sapagkat ang lahat niyang kakarampot na pera ay nauuwi sa mga dayuhang kapitalista at sa kanilang mga lokal na kakampi.

Ang magsasaka ay gigising sa madaling araw, at bubuksan niya ang elektrisidad ng bahay. Ang bombilya na ginagamit ay may tatak na General Electric na binili sa mga dayuhang Amerikano, o Philips na galing sa mga dayuhang Holandes.  Hugasan niya ang kanyang mukha atmga kamay; ang tubig na kanyang ginagamit ay galing sa ilalim ng lup na pinaakyat ng mga makinang dayuhan kagaya ng Yanmar, Kubota o Briggs and Stratton. Sasabunin niya ang kanyang mukha, at ang sabon ay Ivory o Safeguard na binili sa mga kompanyang Amerikano na Procter and Gamble.  Linisin niya ang kanyang ngipin at ang sepilyo ay yaring
Amerikano kagaya ng Dr. NO o Colgate; ang toothpaste naman ay Close up o Colgate, mga produkto ring Amerikano. Ang buhok ay kanyang lagyan ng langis, at ang tatak ng langis ay Johnson Baby Oil, yari ng kompanyang Amerikano Johnson and Johnson. Siya magdamit, ang damit naman o yari ng dayuhan, o ang hilaw na materiyales lamang ang galing sa dayuhan, na tinatahi rito sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga makina ring dayuhan.

Ang magsasaka ay pupunta sa bukid, at sasakay sa kuliglig na ang makina ay Kubota, yaring Hapon. Ang gasolina naman ay kanyang binibili sa Caltex, kompanyang Amerikano; o Shell, kompanyang Ingles-Holandes;
o Petron, na ang 60 porsiyento ng kapital ay pag-aari ng Aramco, kompanyang pag-aari ng mga Amerikano at Arabo.

Pagdating sa bukid, ang magsasaka ay mag-aararo na ang traktorang gamit ay may tatak na Kubota (kompanyang Hapon), o Ford (Amerikano). Ang gulong ng traktora ay Goodyear o Bridgetown, pag-aari ng Amerikano o Hapon.

Isusunod naman ng magsasaka ang pagpatubig sa kanyang palayan sa pamamagitan ng mga makinang Kubota o Yanmar, na yari sa Hapon.

Nang magtraktora na ang lupa, ito'y tamnan ng binhi na binili sa Amerikanong Cargill, o sa mga kompanyang lokal na kasosyo ng dayuhan, kagaya ng San Miguel Corporation at Ayala Corporation.

Ihasik ng magsasaka ang abono, na binili sa dayuhan. Ang mga
pananim ay lagyan niya ng pestisidyo, na ibinebenta ng mga dayuhang kompanya kagaya ng Bayer, Hoechst, at Monsanto.

Pagdating ng ani, ito'y dadalhin sa thresher na ang makina, bakal at gulong ay yaring dayuhan. Ang palay ay ipagiling sa kono o kiskisan, na ang makina at gasolina ay dayuhan din. Ang bigas na nagiling ay isasakay ng magsasaka sa tricycle na ang marka ay Kawasaki, Honda, Yamaha, o sa trak na ang tatak ay Isuzu o Fuso, mga kompanyang Hapon.

Kung sakaling masagani ang ani, ang magsasaka ay magkakaroon ng ekstrang pera.  Pupunta siya sa tindahan, at bibili ng mga pangangailangan sa buhay, kagaya ng sardinas na ang marka ay Ligo o
Hokkaido, produktong Amerikano at Hapon; gatas na Bear Brand o Carnation, produktong Switzerland at Amerika; Nescafe, na pag-aari ng kompanyang Nestle ng Switzerland; Hershey's chocolate o cocoa,
kompanyang Amerikano; tomato sauce, suka, catsup, pineapple, mga produktong Amerikanong Del Monte; Coca Cola at Pepsi Cola pag-aari ng Amerikano; mga de latang karne, kagaya ng Purefoods na bagaman ang
kompanya ay Pilipino, ang karne naman, ang lata, at ang makina ay galing din sa dayuhan. Walang ligtas.

May produkto kaya sa Pilipinas na walang kaparti ang dayuhan? Ang bagoong kaya? Produkto ba ito ng Pilipino?

Ang bagoong, pinagkitaan din ng dayuhan.

Upang ang tao ay magkakaroon ng bagoong, siya ay dapat may bangka. Para mabuo ang bangka, kailangan pupunta siya sa bundok para kukuha ng kahoy. Ang kanyang sasakyan tungo sa bundok ay Fuso o Isuzu, mga sasakyang Hapon. Dala niya ang chain saw o lagari para sa pagputol ng mga kahoy. Ang lagari naman ay gawa ng dayuhan. Mangangailangan din siya ng crane upang mailagay ang malaking kahoy o troso sa trak. Ang tatak naman ng crane ay Kato o Komatsu, mga kompanyang Hapon. Ibaba niya ang kahoy sa sawmill, na ang makina ay galing din sa dayuhang bansa. Kung palakol ang kanyang gagamitin sa pagpoporma ng bangka, ang bakal ng palakol ay yari sa dayuhan.

Kapag mabuo na ang bangka, lalagyan niya ang bangka ng makina na ang tatak ay Briggs and Stratton o Kubota, mga kompanyang dayuhan. Magpalaot siya dala ang hasag para panghuli ng isda, ang marka ng
hasag ay Coleman, kompanyang Amerikano. Ang gasa naman ng hasag ay may tatak na Butterfly, yaring Taiwan. Ang lambat ay plastic na gawa sa Taiwan o Hapon.

Ganoon ang esensiya ng imperyalismo, ang lahat ng kayamanan ay kinakamkam. Pati ang mga maliliit na negosyo kagaya ng bagoong ay hulog sa kanyang matakaw na kamay. Kayat ang depinisyon ng
imperyalismo ay ang pagkamkam ng mga bansang industriyalisado, kasabwat ang mga malalaking kapitalistang natibo, sa kayamanan ng mga bansang di-industriyalisado katulad ng Pilipinas. Ang mga lupain at lokal na industriya natin kung meron man, ay nagsisilbi lamang na tila  subcontractors para sa mga dambuhalang kompanya ng dayuhan.

Babalik ako sa aking unang mga tanong. Sino ang makapagbabago sa umiiral na sistema sa ating mapang-aping lipunan?

Hindi ang mga mayayamang kapitalista-dayuhan at lokal, o malalaking  panginoong maylupa, o ang mga multi-milyonaryong pulitiko, sapagkat sila'y mayaman at kontento na sa kanilang masagangang kalagayan sa lipunan. Maaasahan ba na kanilang iwaksi ang kayamanan at kapangyarihan na kanila ngayong hawak, kayamanan na kinamkam nila sa mga mahihirap?

Hindi Repormang Agraryo na kusang binibigay ang kailangan o mangyayari. Ang kailangan ay Rebolusyong Agraryo na ipatutupad ng nagkakaisang lakas ng magsasaka at mga kaalyadong sektor nila.

Walang ibang makaka-gamot sa sakit ng ating bulok na sistema kundi ang mismong mga magsasaka sa tulong ng kanilang mga kaalyado mula sa iba't ibang sektor. Ang mga magsasaka at ibang inaaping sektor ay
hirap na hirap na sa buhay; matindi nilang hangarin ang pagbabago sa baluktot na sistema.

Rebolusyonaryong layunin ang tunay na repormang agraryo.  Kaya't Rebolusyong Agraryo ang huhugis ng isang makatarungang lipunan na kung saan maghahari ang makatarungang paghati-hati ng kayamanan ng bansa nating Pilipinas na tunay na pakikinabangan ng mga Pilipino.

Palakasin natin ang organisadong hanay ng mga militanteng magsasaka at manggagawang agrikultural, at ang suporta ng iba't ibang sektor.    

Magtaguyod tayo ng pakikibakang makatao't makatarungan para sa ating mga magbubukid, at para sa ating bayan.

Maraming salamat, at mabuhay ang kilusang magbubukid, at ang Philippine Land Reform Movement.

 


Bibliography:

American Chamber of Commerce (1935),. American Chamber of Commerce Journal. April 1935 issue

Griffin (1991). Land Concentration and Rural Poverty. Hongkong: Macmillan Press Ltd.

Mabini (1931). La Revolucion Filipina. Manila, Bureau of Printing.

United Nations (2002). Department of Economic and Social Affairs, Progress in Land Reform, Fifth Report. New York.
Latest posts
Back to top Back to top >>
Telefax +6329299526 email: cenpeg@cenpeg.org; cenpeg.info@gmail.com Copyright ©2005
Center for People Empowewrment in Governance (CenPEG), Philippines. All rights reserved